Monday, December 30, 2013

An Experience to Remember (December 8, 2013)

Almost all of us have cried a river after supertyphoon Yolanda battered Visayas sweeping away everything and killing thousands of people. Mixed emotions filled my heart. Providing relief goods, housing materials, and jobs is really hard but what more difficult is to provide psychological and emotional relief to people especially to children who are not that resilient like adults. I really do not have material things to offer for the Yolanda survivors. So I have searched on things on how to help in my own little way. And what is most wonderful way to celebrate my son's 4th year liver transplant anniversary than to celebrate it by just a simple way of giving back. A lot of people have helped us in 2009 and as a matter of fact, I have lost count already. This is the least way of paying it forward. #Booth7 will remain in my heart forever especially #John and #May. I will forever cherish the moments even if it was only a few hours...a few hours that matter a lot to me and my son Jan Ciryl Tiburcio. Mabuhay ang lahat ng mga taong nagpunyagi upang maisakatuparan ang napakadalisay na layuning makatulong sa mga batang naging biktima ni Yolanda! Mabuhay ang #Booth7! Sana po ay magkita tayong muli.

Wednesday, December 11, 2013

Sa Iyo Aking Bunso

Ilang minuto makalipas ang ikawalo ng gabi
Magandang panahon, taong 2003, ika-23 ng Setyembre
Mahal kong bunso'y, mabilis kong nailuwal
Nawa'y maayos ang iyong lagay, aking naiusal

Labis-labis akong nag-alala nang kita'y aking mamulatan
Ang pinakamamahal kong bunsong sanggol, nang makita at mahawakan
Kakaiba ang kulay ng balat mo, ang labi mo'y nangingitim
Ang iyong yayat na katawan, may duda akong may sakit na angkin

Napag-alaman naming may nakuha kang impeksyon
Dalawang-linggong singkad, araw-araw may ineksyon
Kahit kaawa-awa ang iyong itsura at kalagayan
Patuloy kaming umaasang ito'y iyong malalampasan

Mula Oktubre hanggang Nobyembre sa parehong taon
Kabi-kabilang laboratoryo, maraming doktor hiningan ng konsultasyon
At noong ika-6 ng Disyembre, 2003...nasalang sa unang operasyon
Tinanggal na ang iyong apdo, bituka at iyong atay pinagdugtong

Aking munting bunsong payat at may sakit
Sa maliit na kama ng ospital, mata'y dumilat pumikit
Hindi ko maipaliwanag ang hirap, pait, at sakit
Wala akong magawa kung hindi ang maghinagpis

Matuling lumipas ang daloy ng panahon
Ang sabi ng mga eksperto dapat ka uling isalang sa isa pang operasyon
Operasyong nagkakahalaga ng 3 hanggang 4 na milyon
Saan kaya kami kukuha...tanong ko sa ating Panginoon

Hindi ko na mabilang kung makailang ulit
Labas-masok ka sa ospital palagi at paulit-ulit
Madalas ko lang ibulong at sabihin sa iyo
"Mahal kong bunso ikaw ay gagaling, gagaling ka aking bunso!"

Limang taon ang nagdaan patuloy ang hamon
Palaki nang palaki ang iyong tiyan, kabang-kaba ako noon
Ilang ulit na ako'y halos nawalan ng pag-asa
Kung paano  at ano ang gagawin para ka maisalba

Ngunit ako'y nagpumilit pa ring kumapit sa Diyos
Nanalig na may himala at ang unos ay matatapos
May milagro ang Panginoon, manalig lang tayo
"Mahal kong bunso ikaw ay gagaling, gagaling ka aking bunso!"

Ako na iyong Ina ay parati na lamang balisa
Luluha-luha, dibdib ay kakaba-kaba
Minsang walang magawa kahit isa
Kung hindi malalim lamang na buntunghininga

 Ika-15 ng Disyembre, taong 2009
Sa tulong ng maraming tao, lalo't higit ng Diyos
Ang akala ko ay hindi mangyayari ang mga milagro
"Naoperahan ka bunso, ikaw ay gagaling, gagaling ka na bunso!"

Noong ikaw ay anim na buwang nasa ospital
Ang iyong malamlam na titig, ang mukha mong pagal
Hirap mo'y dama ko..."Mabuhay ka anak." aking dasal
Sa tuyot mong ngiti, ako'y lumalakas, "Mabuhay ka anak." dalangin ko sa Maykapal

Walang anu-ano at tunay na himala
Ikaw aking bunso ay lumakas na bigla
Ang bunso kong akala ko'y mawawala
Mahusay na ang itsura, ang ngiti mo na ay may tuwa

"Buhay ka aking bunso, gumaling ka aking bunsong anak!"
Ilang linggo na lang ikaw ay higit na lalakas
Akin itong binabanggit kahit luha'y nalalaglag
Napakabait ng DIYOS, Salamat sa KANYANG tulong at habag

Sa iyo aking bunso, mahal kong anak na hirang
Kung ano man ang iyong mga kailangan
Ako na iyong ina'y palaging narito lang
"MAHAL KITA BUNSO, HINDING-HINDI KITA IIWAN!"


(Apat na taon na ang regalong buhay sa iyo ng Diyos bunso. Salamat po muli Panginoon.)





Sunday, November 10, 2013

May Pag-asa Matapos si Yolanda


Ang pait at sakit na dulot ng hagupit ng iyong ngitngit
Sa bawat alimpuyo ng iyong hanging walang patid
Marami sa aming humiyaw at nanangis
Ang bawat puso'y umapaw sa hinagpis

Binura mo ang kagandahang taglay ng paligid
Napaglaho mo ang ligaya at saya sa aming dibdib
Sa mga pighating sa amin ay sumapit
Nasaan ang araw, may pag-asa pa kayang sisilip sa isang unos na kay lupit


Mga puno'y iyong mabilis na ibinuwal, mga ugat ay iyong hinugot
Mga lupang sa putik ay nalunod
Kasama ng mga halamang karamihan ay nabunot
Kailan kaya mapapawi ang dala nitong lungkot?


Mga istrukturang nasira, mga bahay halos lahat ay nagiba
Mga pananim na nawasak at pangarap na naglahong parang bula
Mga taong nasaktan at mga buhay na nawala
Nagdurugo ang aming puso, bumabalong na ang luha


Itong munting paru-paro ay sumisimbolo sa patuloy na paglalakbay
Nagpupumilit makamtan ang pag-alpas sa pagsubok ng buhay
Kanyang patuloy na liliparin ang malawak na papawirin
Ikinakampay ang pakpak upang pag-asa'y marating


Munting paru-paro'y simbolo ng pag-asa
Nadadamitan ng tatlong kulay dilaw, asul, at pula
Mga kulay na sumisimbolo sa ating bansang sinisinta
At patuloy na lilipad at muling umaasa


Oh Yolanda, matapos ang iyong daluyong at haplit
Sa paghupa ng iyong hampas, alimpuyo, at galit
Salamat kay Ama, sa kabila ng pinsala at pait
Ang ngiti ay sisibol, titindi pa rin ang pagkapit


Buong Pilipinas, patuloy na babangon
Upang harapin ang kahit anong hamon ng panahon
Kahit saang dako, Mindanao man, Visayas, o Luzon
Perlas ng Silangan, sa kahit anong bagyo ay hindi uurong

Panawagan

(HINDI KO MABIGYAN NG PAMAGAT-BIGYAN NYO NGA hehehe)
Ilang tulog na lang at pasko na naman
Malamang sa malamang,mga guro may tanong na naman
Ano kayang regalo sa amin ng gobyerno? 
Aginaldo, porbetso, pamasko kapalit nang mabuting pagtuturo


Sa ganitong panahon, aakalain ninyong ako'y materialistic
Hindi naman kabayan, kapamilya, kapuso, at kapatid
Nagtataka lang ako nang sobrang walastik
May ilang tao sa pamahalaan, ang bonus super fantastic


Napapailing na lamang ako sapagkat halos marami sa kanila
Paldo-paldo, punong-puno lahat na yata ng bulsa
Milyong bonus sa mga boss ng GSIS at SSS, samantalang napala ng iba sobrang kaltas sa GSIS
Bilyong pork barrel naman nasa mga senador at maging kay Napoles,may matira pa kaya sa amin o baka meron nga pero less


Iyong mga bonus nila ay milyong piso
Hindi naman sapat minsan ang serbisyoIyong iba baka nagke-candy crush lang habang nakaupo
Samantalang ang ibang manggagawawa ay hindi makaihi, makaupo, 
Iyong iba pa kalahating araw na nakatayo

Well, bakit ko ba naiisip ito
Sumasabay pa ba ako kay Yolanda o sa Napoles issue
Hindi naman kaibigan,'pagkat sila man ay may DAP at PDAF
Tayo naman PEI at PBB ang katapat


Hehehe,bakit ko ba ito inuungkat?
Malabo namang mapansin ito ng lahat
Wala lang, kapag walang pasok lang ako nakapagsusulat-sulat
Baka akalain ninyo na naman na nais ko lang bumanat


Eh sa totoo lang, matagal na naman itong panawagan
Suweldo at benepisyo kahit konting dagdag lamang
PEI ginawang PBB sa isang banda ay kakaiba nga naman
Suwerte ka kung mataas ang NAT ng iyong paaralan



Paano kung may taon na ang mga bata ay may kaunting kahinaan
Malamang makuha mong bonus maliit na lamang
Sapagkat ang PBB segun sa NAT performance
Tsk, tsk, tsk...ito ang basehan


Kaya ngayon pa lang, isa lang ang mainam
Review sa NAT ay pagbutihan, oras ng review ay dagdagan
Kung NAT pa rin ay sumemplang
Naku! Patay tayo diyan, isa na lang ang paraan
Magdasal nang mataman



Kaya ngayong PASKO na naman
Bigayan ng bonus parating pa lamang
Sana naman kami ay pagbigyan
Kami'y magagalak kung ang bonus ay PANTAY-PANTAY lang.



Wednesday, July 24, 2013

Thanks

Our family would like to thank all the people who are helping us in different ways. Thanks to all those families who are assisting us. We are indeed grateful to have you as our friends.

Wednesday, February 6, 2013

Jan Three Years After the Liver Transplant

Thank you Papa Jesus!








(This is my precious baby three years after his liver transplant operation)

Wednesday, April 13, 2011

God moves in mysterious ways!


During our most trying times...where the very utmost human effort can do is not enough, God moves in to fill that space between what is possible and what He wants done that is impossible. God really moves in mysterious ways. Jan has been to Chang Gung Memorial Hospital for medical check-up/assessment. (Feb. 26 to March 6) No medical procedure was done except for necessary laboratory tests (ct angiogram, ultrasound, x-ray, blood tests etc.) and medication needed.

I would like to extend our warmest thanks and gratitude to those who prayed with us and to those who provided assistance in different forms. I am truly happy to have known you all. May God continue to bless you all with His love, grace and blessings.