Almost all of us have cried a river after supertyphoon Yolanda battered Visayas sweeping away everything and killing thousands of people. Mixed emotions filled my heart. Providing relief goods, housing materials, and jobs is really hard but what more difficult is to provide psychological and emotional relief to people especially to children who are not that resilient like adults. I really do not have material things to offer for the Yolanda survivors. So I have searched on things on how to help in my own little way. And what is most wonderful way to celebrate my son's 4th year liver transplant anniversary than to celebrate it by just a simple way of giving back. A lot of people have helped us in 2009 and as a matter of fact, I have lost count already. This is the least way of paying it forward. #Booth7 will remain in my heart forever especially #John and #May. I will forever cherish the moments even if it was only a few hours...a few hours that matter a lot to me and my son Jan Ciryl Tiburcio. Mabuhay ang lahat ng mga taong nagpunyagi upang maisakatuparan ang napakadalisay na layuning makatulong sa mga batang naging biktima ni Yolanda! Mabuhay ang #Booth7! Sana po ay magkita tayong muli.
"But do not forget to do good and to share, for with such sacrifices God is well pleased." Hebrews 13:16
Monday, December 30, 2013
Wednesday, December 11, 2013
Sa Iyo Aking Bunso
Ilang minuto makalipas ang ikawalo ng gabi
Magandang panahon, taong 2003, ika-23 ng Setyembre
Mahal kong bunso'y, mabilis kong nailuwal
Nawa'y maayos ang iyong lagay, aking naiusal
Labis-labis akong nag-alala nang kita'y aking mamulatan
Ang pinakamamahal kong bunsong sanggol, nang makita at mahawakan
Kakaiba ang kulay ng balat mo, ang labi mo'y nangingitim
Ang iyong yayat na katawan, may duda akong may sakit na angkin
Napag-alaman naming may nakuha kang impeksyon
Dalawang-linggong singkad, araw-araw may ineksyon
Kahit kaawa-awa ang iyong itsura at kalagayan
Patuloy kaming umaasang ito'y iyong malalampasan
Mula Oktubre hanggang Nobyembre sa parehong taon
Kabi-kabilang laboratoryo, maraming doktor hiningan ng konsultasyon
At noong ika-6 ng Disyembre, 2003...nasalang sa unang operasyon
Tinanggal na ang iyong apdo, bituka at iyong atay pinagdugtong
Aking munting bunsong payat at may sakit
Sa maliit na kama ng ospital, mata'y dumilat pumikit
Hindi ko maipaliwanag ang hirap, pait, at sakit
Wala akong magawa kung hindi ang maghinagpis
Matuling lumipas ang daloy ng panahon
Ang sabi ng mga eksperto dapat ka uling isalang sa isa pang operasyon
Operasyong nagkakahalaga ng 3 hanggang 4 na milyon
Saan kaya kami kukuha...tanong ko sa ating Panginoon
Hindi ko na mabilang kung makailang ulit
Labas-masok ka sa ospital palagi at paulit-ulit
Madalas ko lang ibulong at sabihin sa iyo
"Mahal kong bunso ikaw ay gagaling, gagaling ka aking bunso!"
Limang taon ang nagdaan patuloy ang hamon
Palaki nang palaki ang iyong tiyan, kabang-kaba ako noon
Ilang ulit na ako'y halos nawalan ng pag-asa
Kung paano at ano ang gagawin para ka maisalba
Ngunit ako'y nagpumilit pa ring kumapit sa Diyos
Nanalig na may himala at ang unos ay matatapos
May milagro ang Panginoon, manalig lang tayo
"Mahal kong bunso ikaw ay gagaling, gagaling ka aking bunso!"
Ako na iyong Ina ay parati na lamang balisa
Luluha-luha, dibdib ay kakaba-kaba
Minsang walang magawa kahit isa
Kung hindi malalim lamang na buntunghininga
Ika-15 ng Disyembre, taong 2009
Sa tulong ng maraming tao, lalo't higit ng Diyos
Ang akala ko ay hindi mangyayari ang mga milagro
"Naoperahan ka bunso, ikaw ay gagaling, gagaling ka na bunso!"
Noong ikaw ay anim na buwang nasa ospital
Ang iyong malamlam na titig, ang mukha mong pagal
Hirap mo'y dama ko..."Mabuhay ka anak." aking dasal
Sa tuyot mong ngiti, ako'y lumalakas, "Mabuhay ka anak." dalangin ko sa Maykapal
Walang anu-ano at tunay na himala
Ikaw aking bunso ay lumakas na bigla
Ang bunso kong akala ko'y mawawala
Mahusay na ang itsura, ang ngiti mo na ay may tuwa
"Buhay ka aking bunso, gumaling ka aking bunsong anak!"
Ilang linggo na lang ikaw ay higit na lalakas
Akin itong binabanggit kahit luha'y nalalaglag
Napakabait ng DIYOS, Salamat sa KANYANG tulong at habag
Sa iyo aking bunso, mahal kong anak na hirang
Kung ano man ang iyong mga kailangan
Ako na iyong ina'y palaging narito lang
"MAHAL KITA BUNSO, HINDING-HINDI KITA IIWAN!"
(Apat na taon na ang regalong buhay sa iyo ng Diyos bunso. Salamat po muli Panginoon.)
Subscribe to:
Posts (Atom)